By the way I'm John. Single pa rin hanggang ngayon. Sawa na sa
Pag-ibig.
Ilang beses na akong nasaktan. Di ko alam kung ano ang dahilan
kung bakit sila nang-iiwan. Nagkagirlfriend ako nung una tumagal
kami ng 3 taon ngunit namatay siya dahil sa aksidente. Magkasama
kami sa kotse at nabangga kami sa isang poste. Iniisip ko at
tinatanong ko sa sarili ko kung bakit hindi nalang ako ang namatay at
hindi nalang siya. Sige mag flash back tayo......
....S-Sorrow and separation
Noong grade 4 ako, kasama ko lagi ang aking mga kaibigan at
naglalaro kami sa labas ng soccer. May nakita ako na girl at wala
siyang kasama. Malungkot siyang nagaantay ng service niya. Hindi ko
siya pinansin nung una hanggang sa nakikita ko na siya palaging
walang kasama. Kinaibigan ko siya dahil naaawa ako sa kanya dahil
siya ay nagiisa lang.
Ang sabi ko"Hello anong pangalan mo?" Ang sabi naman niya "Jane,"
ang tanong ko naman, "Pwede ba kitang maging kaibigan?" Ang tugon
naman niya ay "Oo"
Nag promise ako noong gabi sa baba ng orion's belt.
Doon nagstart ang relationship namin. Noong grade six matalik na
matalik ko siyang kaibigan. Halos hindi kami mapaghiwalay noon,
laging nagsheshare ng baon. Nagkagusto ako sa kanya at pinangako
kong siya ang pakakasalan ko pagtanda ko
"Ikaw na ang pakakasalan ko kasi ikaw lang ang naging matalik kong
kaibigan na babae. Nagagandahan din kasi ako sa iyong mga ngiti at
mata. Hindi rin ako makatiis pag malungkot ka. Nasasaktan ako
pagnasasaktan ka. Hindi kita maiwanan"
Nagblush siya nung sinabi ko iyon
Naging childhood friend ko siya at masayang-masaya kami lagi
Uwian sinundo ako ng mommy ko. Tinanong ko sa isip ko kung "Bakit
niya ako sinundo at hindi yung service driver?" Kinausap ako ng
mommy ko
"John, anak pupunta tayong Canada next week at doon na tayo titira."
Ang sabi ko naman, "Ma, hindi pwede iyon! Marami akong iiwanan na
kaibigan."
Nagtalo kami ng nagtalo hanggang sa pumayag na ako. Nagpaalam
na ako kay Jane at nangakong babalik ako.
.......A-Accident
After ten years. Bumalik ako sa bansa.Makikita ko na ulit siya.
Sinalubong ako ni tita Weng(mommy ni Jane) sa airport.
"Tita!" ang aking tugon sabay mano sa kanya. "Si Jane po nasaan?"
ang tanong ko."Ah nasa bahay. Hanggang ngayon di ka pa rin niya
makalimutan. Miss na miss ka na niya. Iniyakan ka nung gabing
umalis ka."
Natahimik ako at medyo naguiguilty kung bakit ko siya iniwanan.
Medyo may pagka guilt lang naman.
"Miss ko na rin po siya eh." sabi ko naman kay tita. "Yikeee... haha"
kinigilig na sinabi ng tita ko sa akin.
Sumakay na kami ni tita sa kotse niya at hinatid ako sa kanilang bahay.
Medyo may kahabaan ang paguwi. Nang makarating na kami sa
aming bahay, nakita ko si Jane. Ganoon pa rin ang hitsura niya.
Maganda pa rin ang mata at ngiti. Niyakap ko siya.
"Namiss kita"
"Ako rin naman eh. Matapos ang sampung taong pagkakahiwalay ko
sayo eh."
Matapos noon. Nagkwentuhan kami tungkol sa nagyari sa amin before
and after the separation. Masaya kaming nagusap. Kinwento niya rin
ang kursong kinuha niya. Nga pala nagtratrabaho na niya. CPA Lawyer
siya graduate ng accountancy sa La Salle. One take pumasa na siya at
nasa top 5 siya. Top 3 siya sa mga board passers. Ang lufet niya. Ang
galing niya.
Matapos kaming magkwentuhan, we spend a night w/ each other.
Kinaumagahan naglakwatsa kaming dalawa. Nagpunta kaming mall
at nagshoppiing, naglaro ng arcade at nagdinner sa isang fancy
restaurant. Matapos kaming magdinner nagdrive kami pauwi sa
bahay. May nakita kaming pusa sa daan at lumihis kami ng daan
nakita namin ang isang poste at doon kami bumangga.
...After 3 mins, nakita ko wala siyang malay at ako humingi ng tulong.
May nakakita samin at dinala kami sa ospital.
"May fracture ka." Sabi sa akin ng doktor. Tinanong ko sa kanya si Jane
ngunit ang sabi niya comatose daw siya. Umiyak ako at nagsisi ng
sobra. Nagsorry ako sa mommy niya.
"Sorry, dahil pinabayaan ko si Jane."
"Ok lang wag kang umiyak."
1 month siyang comatose
***The Departure*** Naging conscious siya ng kaunti at nagsabi ng huling habilin niya sa
akin.
"Jjjjohn. Alam kong natatakot ka na ako ay mawala ngunit hindi kita
pababayaan. Nakita mo yung orion's belt? Doon ka nagpromise sa
akin na ako ang pakakasalan mo diba? Babantayan kita lagi at
makikita mo ako sa Orion's Belt. Mahal Kita"
Namatay siya 1:00 am. Ako'y nagluksa at hindi na ako umibig muli.
Siya ang una at huli kong pagibig.
***The delight***
Ang delight ay ginawa while I'm moving on and after the flashback.
Three years later...
I live my life at nakapag move on na ako. Nagaral ulit ako ng Law at
nakagraduate ng Magna cum laude. Hindi na ako umibig dahil takot
akong masaktan. Ngunit may isang babae na dumating sa buhay ko.
Naging magkaibigan kami at nagtagal ang pagiging magkaibigan
namin. Nainlove ako sa kanya ngunit may pumipigil sa akin...at ito ay
ang takot kong umibig muli. Inamin ko sa kanya ang aking pagibig.
"Marie(Name nung girl), may aaminin ako sayo. Sa tingin ko mahal kita
ngunit parang may pumipigil sa akin."
"Ok lang sakin ngunit anung bagay ang pumipigil sayo?"
"Ang takot kong umibig muli."
"Ahh... ok lang sa akin pangako ko sayo hindi kita iiwan aalisin ko ang
takot mong umibig muli"
Matapos noon naging mag-on kami at tumagal ang relasyon namin
bilang mag syota ng 5 taon at nagkahiwalay kami nung nagpunta
siyang Germany. Bumalik siya after 2 years at doon niyaya ko siyang
magpakasal.
"Marie, ikaw lang ang nagalis ng takot kong umibig muli. Will you marry
me."
"Yes"
Doon nagpakasal kami.. Saturday July 1990 kami ikinasal.
...........
...........
***Epilogue***
Nagkaanak kami ng 2 at nagmahalan kami...
Ang nakaraan ay nakaraan at ang kinabukasan ay kinabukasan. Mas
mahalaga ang kinabukasan kaysa sa nakaraan. Wag tayong matakot
umibig. Any past shall not hinder you to love.
By the way it's me John again. Happily married. At di na magsasawang magmahal.. :)