tik tak tik tak...
One minute
dumating na s'ya. napigil ko ang
aking paghinga. bumaba s'ya sa puting corolla. ngiting ngiti s'ya sa akin.
...kanina ka pa namin
hinihintay, akala ko 'di ka na sisipot...
Inilahad ko ang kamay ko sa kanya
at inabot n'ya ito na para bang nahihiya.
two minutes
hinila n'ya ako sa isang sulok ng
garden. kung saan malayo kami sa paningin ng iba pang panauhin.mahigpit ang
pagkakahawak n'ya sa bulaklak.
...kinakabahan ako...
aniya.
...h'wag ka kabahan, ganyan
talaga...
pinunasan ko ng panyo ang gilid ng
kanyang mukha na tinatagaktakan ng pawis.
three minutes
titig na titig kami sa isa't-isa.
magkahawak kami ng kamay. mahina s'yang nagsasalita.
...ito ang araw ng mga araw sa
buhay ko...
katahimikan.
four minutes
...dapat maging masaya ka.
gusto ko lagi kang masaya...
katahimikan.
muli s'yang ngumiti. muli kaming
nagtitigan. dapat ko na bang sabihin sa kanya? dapat nga ba?...
muli kaming nagtitigan.
five minutes
...sampung taon na din tayong
magkaibigan, nakakatawa 'no? hindi ko kasi inaasahan na aabot t'yo sa ganito...
six minutes
...oo nga, akala ko noon,
magiging isang pangarap lang ang lahat...
...pagkatapos nito, magiging
isang pamilya na lang t'yo. ang magulang mo ay magiging magulang ko na 'din.
ang mga kapatid mo, magiging kapatid ko na 'din...
seven minutes
...iyon naman talaga ang gusto
ko mula umpisa, mula pa noong unang araw na nakilala kita...
ngumiti s'yang muli sa akin.
hinaplos n'ya ang aking pisngi. batid kong may nais s'yang sabihin ngunit
nanatiling tahimik ang kanyang bibig.
eight minutes
hinagkan n'ya ang kamay ko.
matagal na katahimikan.
nine minutes
...ito ang pangarap natin, ang
maibigay ko sa iyo ang apelyido ko...
ngumiti s'ya.
ten minutes
...at manalaytay naman sa ugat
ng mga magiging anak ko ang dugo mo. malamang, magiging kamukha mo ang first
baby ko...
nagyakap kami. hinagkan n'ya
ako sa pisngi.
twelve minutes
lumuha s'ya. lumuha ako. nanatili
kaming magkayakap.
thirteen minutes
saglit na panahon na lamang nang
pagkurap ng mata. saglit na panahon...
dapat nga ba akong tumakbo?
tumakas habang buhay?
o harapin ang lahat?
fourteen minutes
ilang sandali na lamang upang
pagmasdan ko s'ya sa mukha. ilang sandaling pagbulong sa kanyang pangalan.
fifteen minutes
mga minutong kapiling ko s'ya. mga
minutong papasanin ko ang pagdurusa.
sixteen minutes
mga minutong alam kong akin s'ya.
mga minutong nakatitig ako sa kanyang mga mata...
seventeen minutes
...umalis t'yo, lumayo t'yo,
iwan natin ang mundo...
marahan akong umiling.
...hindi maaari...
eighteen minutes
...nandito lamang ako sa tabi
mo hanggang sa pagtanda natin...
nineteen minutes
ilang sandali na lamang upang
baguhin ang aming buhay. ilang sandali... napakaiksi. pwede kaming mabigo,
pwede kaming manalo...
twenty minutes
nauubusan na ako ng oras. pabilis
ng pabilis ang pagtakbo ng orasan. umiikot ng umiikot ang mundo.
twenty one minutes
tinawag s'ya ni mama. malapit na
palang magsimula ang lahat. nagbitiw kami sa pagkakayakap.
twenty two minutes
inayos n'ya ang kanyang damit.
pinunasan ko ng aking daliri ang luha sa kanyang mata.
twenty three minutes
saglit n'ya akong
tinitigan, ikinawit n'ya ang kanyang braso sa aking batok at inilapit
ang kanyang labi sa aking taynga. mahina s'yang bumulong.
...mahal kita...
twenty four minutes
tumalikod na s'ya at lumapit kina
mama at papa at sa mga magulang n'ya.
twenty five minutes
...itakas mo s'ya...ilayo mo
s'ya...dahil mahal ka n'ya...dahil mahal mo s'ya!...
...hindi maaari!...
twenty six minutes
tumugtog ang piano. ito ang
pangarap namin noon pa man, Garden wedding. amin ang pangarap na iyon. sa amin
lamang dalawa.
magsisimula na...
malapit na malapit na...
twenty seven minutes
tinawag ako ni papa. pumuwesto na
daw ako at magsisimula na ang entourage. kailangan kong gampanan ang aking
papel. mamya, ako ang magpapapirma ng marriage contract at kailangang nasa tabi
n'ya ako.
ngumiti ako kahit sa loob ko ay
para akong dinudurog.
twenty eight minutes
hindi ko na maiwasang h'wag maluha
habang pinagmamasdan ko s'yang naglalakad sa aisle na dinekorasyunan ng mga
rose petals. nakatingin s'ya sa akin, at nang malapit na s'ya...
twenty nine minutes
inabot n'ya ang kamay ni kuya jonas
at inalalayan s'ya palapit sa santwaryo ng kanilang mga pangako.
thirty minutes
at pinanood ko ang pag-iisang
dibdib ng aking kapatid at ng nag-iisang babaeng aking iniibig...
...Goodbye my love...