NI-REJECT AKO NI JOLLIBEE


 Author:

Naranasan nyo na bang mareject?Well hindi naman ito tungkol sa pambabasted kaya hindi yun ang ikukuwento ko sa inyo.
Kung di nyo naitatanong,eh alam nyo bang nagtrabaho ako sa Jollibee?(eh ano naman ngayon??). Okay ganito yan! Dati bibihira ang nakakapasok bilang Service Crew sa Jollibee. Marami silang qualifications at masyado silang mapili.
Ganito, kagagraduate ko lang ng Port Dyir Hayskul noon. At dahil pangarap kong makapasok sa Jollibee noon, kaya nagkukumarat akong nag-apply nang nagkaroon sila ng HIRING para sa mga estudyante. Kaya naman binibitbit ko na ang BIO DATA ko.Kailangan daw ng 1X1 piktyur kaya ginupit ko lang yung piktyur ko noong nagfield trip kami sa Manila Zoo. Kaya naman may umekstra pang unggoy sa background. At dinikit ko sya sa pamamagitan ng …..tenen….…kanin.
.
So heto na nga, nag-apply na ako, binigay ko na yung BIO-DATA kay Manong Guard. Iisa isahin daw nya kaming tatawagin.
.
Manong Guard: Okay nasan si Mr. Spike West.
.
AKo: Ako po yun (tuwang tuwa pa ako, kala mong nanalo sa raffle)
.
Manong Guard: Ikaw ba yun? naku bata! Mukha ka lang pinabili ng suka ng nanay mo ah! (Tumawa sya, saka ang ibang aplikante)
.
Ako: Eh hindi po! mag-aaplay po talaga ako, saka nabili ko na po yun suka ng nanay kaninang umaga! (Sineryoso??)
.
Manong Guard: Naku totoy!Umuwi ka na lang! Saka may height requirement oh, 5’5 dapat!
Ako: Hindi po! 5’5 po ako!(naiiyak na ako)

Kinuha nya ang ruler nya at sinukat ang height ko.
Manong Guard: Naku,totoy 5’3 ka lang! Bumalik ka na lang kapag TULE ka na!
.
Ako: Binata na po ako Manong, saka tule na po ako nung grade por pa!Please Manong!!!Please(Namula at namugto ang mata)!

Masyadong masama ang budhi ni Manong at hindi sya naantig sa akin. Binata na kaya ako noon at hindi Totoy! Dahil sabi nya mukha lang daw akong pinabili ng suka saka hindi pa daw ako tule,gustong gusto kong isumbong kay nanay si Manong Guard . Pero dahil "BIG BOY" na ako di ko na sya sinumbong kay nanay kasi hindi na nga ako bata , Pero ang masasabi ko sa kanya ay …….HINDI KO SYA BATE!!.
.
Makalipas ang 2 buwan, hiring uli sila. Kaya naman hindi na rin ako nagpatumpik tumpik pa. Nag-apply uli ako. Pero this time pinaghandaan ko na sya. Naglagay ako ng uling sa may bibig para magmukha akong may bigote tapos sinuot ko din yung sapatos ng kuya dahil may takong yun para umabot ako sa height requirement na 5’5. At higit sa lahat……… nagpatule na rin ako!LOLS! Joke lang…… inayos ko na rin yung BIODATA ko.
.
Awa ng Dyos ,nakalusot ako kay Manong Guard. At dito nagsimula ang interview ko, pero mukhang talagang ayaw nila sa akin.Nireject na naman nila ako kasi matapos akong interbyuhin narinig ko ang “magic word” na
.
Interviewer: Okay Mr. Spike, we will call you if you are qualified.
Ako: Ha?Ma’am wala naman po akong landline at cellphone ah paano nyo po ako matatawagan?
Interviewer: Ah ganun ba?eh ano ehhhhh
.
Alam ko sasabihin na nyang “Sorry di ka tanggap”, pero bago pa man nyang sabihin yun.Nagdrama na ako:
.
Ako: Ma’am parang awa nyo na! Kailangan ko po ng trabaho dahil di na po ako makakapag-aral! Yung ate ko po pumasok na lang pong katulong para lang makatulong. Wala na rin po kaming pagkain,nagdidildil lang po kami ng asin para makain. (sino ba namang di maantig sa mala MMK kong istorya)
.
Interviewer: Sige na nga (naiyak sya!) punta ka bukas sa Final Interview.
Okay payn, nagdrama lang ako!Dahil kaya pumasok ako ng Jollibee ay para makabili ng………. cellphone. At ang ate ko hindi katulong talaga! Heheh! Kailangang magdrama kasi desperado na ako.
Awa uli ng Dyos nakapasa ako sa Final Interview (ng walang drama-drama hehhee! )Kaya naman tuwang tuwa ako kasi at last makakapasok na rin ako sa Jollibee (Nyemas! taas ng pangarap ko).Okay na sana ang lahat pero bigla uli ako nireject. Bakit? kasi ganito:

Baklang Manager: Okay , Mr. Spike san mo gustong malagay?
.
Ako: Pwede po bang sa Dining Area na lang po ako? (waiter sa Jollibee)
.
Baklang Manager: Ganun, Mr. Spike, gwapo ang kailangan dun!Gwapo ka ba?(sabay tawa) Dun ka na lang sa KITCHEN!!Wag ng ambisosyo! (Tawa uli)
.
Ako:Opo! (hiyang hiya)
.
Tinanong pa ako, eh pang KITCHEN lang pala ang pagmumukha ko!Hay! Reject-reject at reject!Pero masasabi ko lang ang taong nirereject nila noon ay ang mismong taong din ginawaran nila ng “BEST CREW” at pinagkatiwalaan nila ng isang buong taon.Katibayan lang na kahit reject ako, hindi ako BASURA!
.
Sa totoong lang iba ang pakiramdam pag nirereject ka. Lalong masakit kapag nirereject ka dahil sa iyong mga kakulangan. Wala naman taong perpekto di ba? Ang rejection ay pagkabigo din, pero doble lang ang sakit nito nabibigo ka dahil hindi ka lang umabot sa “standards” ng ibang tao.Tinapon ka nila sa madaling salita!
.
Panuntunan ko sa buhay, ang “rejection” ay hindi dapat maging hadlang para magtagumpay. Kung na-reject ka nila,patunayan mo na hindi ka basura. Pero kung nireject ka nila at nagmukmok ka sa isang tabi, parang pinatunayan mo na rin sa kanila na basura ka nga! Gawin nating motivation ang rejection, Dahil sa pagsuko doon tayo nabibigo pero sa pagpupursige doon tayo nagtatagumpay!
Are you looking for QUALITY BEDDING at a CHEAPER PRICE? Do you need a bed linen that would give you comfort for good night sleep?

Chat